Hanggang saan ang pagplano mo ng financial situation mo sa iyong future? 5 taon? 10 taon? Lahat tayo ay dadating sa stage ng ‘retirement.’ Kadalasan ang pag retiro ay nagsisimula sa edad 60. Ilang taon pa yun mula sa edad mo ngayon?
Sa Pilipinas, hindi gaano binigbigyan ng pansin ang paghanda sa pag-retire, hindi dahil ayaw natin pero dahil may napakalaking gap sa kaalaman sa finances o ‘financial literacy’ sa pag-manage ng ating pera.
Ayon sa isang survey mula sa Philippine Institute of Developmental Studies, naniniwala ang mga Pilipino na ang kanilang savings na katumbas ng 2.1 taon ng kanilang kita ay sapat para sa retirement nila. Malamang sa malamang, kulang yan kung may plano kang ma-enjoy ang retirement mo, mag-enjoy at sulitin ang retirement.
Ngayon pa lang dapat pinag pa–planuhan mo na ito. Posibleng simulan ang iyong retirement journey gamit ang mga kaalaman sa article na ito.
Nasaan na ba ako sa aking Retirement Planning?
Retirement Planning 101
Ang paghahanda sa pagreretiro sa Pilipinas ay karapatan ng bawat Pilipino. Kabilang dito ang knowledge at pag commit sa mga goals mo para sa iyong retirement at kung magkano ang kailangan mo para matupad ang mga goals na ito. Ang pagsasanay sa sarili ng financial independence ay makakatulong ng lubos sa iyong retirement plans. Paano nga ba ma achieve eto?
1. Financial Planning
Set a goal. Importante na alam mo kung saan mo ilalaan ang pera mo.
Manage your money – Huwag maging gastador, maging savings-savvy! Emergency-Proof Your Finances.
Magtabi ng pera para sa mga hindi inaasahang financial plot twist
2. Budgeting
- Mag-allocate ng wastong budget para sa mga na-ilista (grocery, rent, etc.)
- I-lista lahat ng gastusin o balak pag-gastusan.
- Panindigan at isabuhay ang ganitong practice sa pag-bubudget.
3. Savings
Kayang kaya mo itong gawin sa paghuhulog sa bangko or sa savings option ng e-wallets mo kahit pakonti-konti.
With simple interest, ang savings mo ay pwede madadagdagan ng onting reward over time. Sa pagtatago ng money mo sa bangko or e-wallets, nagbubunga ito through interest kaya naman naka-save ka na, nadagdagan pa ang ipon mo.
4. Investing
Money doesn’t grow on trees (pero may paraan palaguin ito)
Ang investment ay ang paglalagay ng pera sa isang lugar kung saan inaasahang dadami ito. Hindi ito literal na lugar, syempre—ang mga assets tulad ng stocks, bonds, o real estate ay examples ng investments.
Ang investing ay hindi lang para sa mga mayayaman or mga negosyante!
Kung may extra kang pera na pwedeng itabi at hindi mo gagamitin sa immediate na pangangailangan, pwede ka nang magsimula.
Sa pagplano ng iyong pagreretiro o “retirement planning”, kailangan mong alamin ang source ng iyong pera, mga posibleng gastos, ang paglalagyan ng iyong savings, at ang pag-manage ng iyong mga ari-arian at posibleng ‘risk’ habang ika’y tumatanda. Ang mga kita mo sa hinaharap ay tinatantya upang masukat kung posible ma-achieve ang goals mo sa pagreretiro.
Kahit mayroong mga ahensya ang gobyerno tulad ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na makakatulong sa ating retirement, mabuti na paghandaan ang pagreretiro ng walang stress at pag-aalala.
Sino ba naman ang may gusto ng retirement na nag-aalala pa sa pera?
Pag-isipan at suriin ang iyong financial situation gamit ang mga katanungan sa ibaba:
- Ano ang “retirement” sa iyo?
- Paano ang magiging lifestyle ko kapag nag-retire ako?
- Ano ang mga isyu ko sa kalusugan na kailangan kong bantayan o alagaan?
- Ano ang mga goals na gusto mong makuhahabang ikaw ay retired?
- Saan manggagaling ang aking mga pera para matupad ko yung mga retirement goals ko?
Mga Maling Kaisipan Tungkol sa Pagreretiro
Tayo’y nae-enganyong gumastos ng pera at hindi nakakaipon dahil alam natin may naka-abang na sweldo kada 15 at 30 ng buwan o sa bawat pagpasok natin sa trabaho araw araw.
Ang pagpa-plano ng retirement ay hindi lang simpleng pag-iipon sa natitira sa sweldo. Ito’y kinakailangan ng masusing pag-aaral at disiplina para safe at secure ang finances mo sa retirement.
Secure na ako
Noong Oktubre ng 2022, lumabas ang isang research ukol sa mga retirement income system sa buong mundo at kasama dito ang Pilipinas. Ayon sa Mercer CFA Institution Global Pension Index, ang Pilipinas ay may isa sa pinakamalalang retirement system sa mundo. Sa Southeast Asia, ang Pilipinas ay pangalawa sa huli.
Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, ang Pilipinas ay may 7.6 milyon na Pilipino na edad 60 pataas. Hindi rin nakakatulong ang porsyento ng pag taas ng presyo ng bilihin o ang inflation rate ng Pilipinas mula 2018-2022 ay halos 4%.
Ang halaga ng pera mo noong 2010 ay hindi na parehas ng value tulad ngayon. Isang magandang example nito ay ang pagtaas ng 43% sa presyo ng bigas mula Agosto 2012 hanggang Nobyembre 2023.
Petsa | Presyo |
---|---|
Agosto 2012 | PHP 32.54 |
Nobyembre 2023 | PHP 46.61 |
Petsa | Presyo |
---|---|
Agosto 2012 | PHP 32.54 |
Nobyembre 2023 | PHP 46.61 |
Sa gusto mong buhay sa iyong pagreretiro, sapat na kaya ang PHP 5,000 – 18,000 na ibibigay ng Social Security System o SSS kada buwan?
Compound Interest
Isang mahalagang paraan para labanan ang inflation ay ang kaalaman tungkol sa compound interest. Sa madaling salita ito yung interes na naiipon sa savings na nagmumula sa initial principal at ang na accumulate na interes sa paglipas ng panahon. Tingnan ang sumusunod na para sa isang example ng compound interest na may interest rate na 5%.
No. of Years | Principal Amount | Interest | Compunded Amount |
---|---|---|---|
1 | PHP 10,000 | PHP 10,000 x 0.05 = PHP 500 | PHP 10,000 + 500 = PHP 10,500 |
2 | PHP 10,500 | PHP 10,500 x 0.05 = PHP 525 | PHP 10,500 + 525 = PHP 11,025 |
3 | PHP 11,025 | PHP 11,025 x 0.05 = PHP 551.25 | PHP 11,025 + 551.25 = PHP 11,576 |
4 | PHP 11,576 | PHP 11,576 x 0.05 = PHP 578.8 | PHP 11,576 + 578.8 = PHP 12,155 |
5 | PHP 12,155 | PHP 12,155 x 0.05 = PHP 607.75 | PHP 12,155 + 607.75 = PHP 12,762 |
Batay sa impormasyon sa taas, mapapansin na dahil sa pag “compound” o pag patong ng interes na naiipon kasama ng principal amount, mas mataas ang nakukuha at mas malaki ang potensyal na kitain mo mula sa iyong inipon para sa iyong retirement.
Para mas malaki ang maipon at kitain, magsimula ng maaga. Ika nga, “The earlier, the better.”
Suriin ang iyong Financial Situation
Sa pagpa-plano sa retirement balang araw, dapat bigyang halaga ang financial planning. May tatlong steps para magsimula nito:
1. Mag-set ng Malinaw na Financial Goal
- Ano ang mga short term financial goals ko?
- Ano ang mga long term financial goals ko?
2. Alamin ang sariling Financial Capabilities
- Magkano ang kita ko sa isang buwan
- Magkano ang gastos ko sa isang buwan?
- Magkano ang savings ko ngayong buwan?
- May sapat na emergency funds na ba ako?
- May investments ba ako?
3. Magsimula ng mabubuting financial habits
- Mag-open ng savings account at hulugan ito regularly.
- Magtabi para sa sa mga emergency.
- Gumawa ng budget at sundin ito sa abot ng makakakaya
Tukuyin ang Posibleng Pagmulan ng Pera
Sa Pilipinas, ang iyong pera para sa pagreretiro ay maaaring manggagaling sa iba’t ibang pinagmumulan. Maliban sa SSS at GSIS, personal na ipon, mga investment, ang Personal Equity and Retirement Account (PERA) ay maaaring magbigay ng ginhawa iyong kinabukasan tungo sa retirement.
Suriin mga Healthcare Expenses
Ang mga gastusin pangkalusugan ay siguradong lalaki sa pagreretiro. Mahalaga na paghandaan ang mga gastusin na ito sa pagkakaroon ng emergency savings na para sa kalusugan.
Retirement Goals
Ano ang itsura ng iyong dream retirement? Traveling around the world, having more time with family and friends, or enjoying your hobbies? Importante na tuklasin at magpasiya sa ang iyong retirement goals dahil ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpaplano ng pagreretiro at magsisilbing gabay sa iyong retirement strategy.
Retirement Savings Tips
Sa journey mo tungo sa retirement, mainam na ang Portfolio mo ay diverse o may iba’t-ibang pinanggagalingan. Pwede ka maghanap ng isang financial advisor, para matulungan ka sa pagdedesisyon ukol sa pera, mga investment, atbp.
Tignan at suriin ang mga sumusunod na retirement savings strategies na pwedeng mong simulan at pag-aralan sa paghanda sa iyong pagreretiro mo balang araw:
1. Magsimula mag-Save Ngayon Din
“Huwag itabi ang natitira pagkatapos gumastos. Gastusin ang natitira pagkatapos mag-ipon.” – Warren Buffet, isang sikat at tanyag na negosyante mula sa Estados Unidos
2. Maghanap o gumawa ng ibang pinanggagalingan ng pera
Sa Pilipinas, uso ang side-hustle o ang raket. Para madagdagan ang naiipon mong pera, maaari kang magsimula ng maliit na negosyo, tumanggap ng mga part-time na trabaho, atbp.
3. Kumuha ng insurance
Kahit gastusin pa rin ang insurance, mas mapo-proktektahan pa nito ang mga naipon kung sakali man may mangyari sa mga napundar mo o sa sarili.
Unahin ang life insurance, health insurance, at income protection insurance.
4. Mag save para sa emergency
Liban sa mga savings para sa mga future goals mo, maglaan ng pera para sa emergency savings na nagkakahalaga ng hindi bababa sa anim na buwan.
Ang pagplano ng retirement ay kinakailangan ng masusing pagpa-plano at matinding pag-unawa sa sarili upang matukoy mo ang buhay na gusto mo pag nagretiro ka na.
Sa Part 2 ng ating Guide to Retirement Planning, pag-uusapan natin ang mga posibleng strategy tungkol sa savings para sa pagreretiro. kasama ang iba’t ibang mga account para sa pagreretire at mga strategy sa pamumuhunan, pati na rin ang pagsusuri at pagsasaayos ng iyong plano upang makita mo ang progress mo sa journey ng iyong retirement.