Mahilig ang Pilipino sa paghahanap ng bagong foodtrip na madaling puntahan at may masarap na pagkain. Ngunit paano mo nalalaman na sulit ang binayaran mo? Kadalasan, sa lokasyon, lasa, at presyo ng pagkain ang nagiging basehan.
Ika nga ni Warren Buffet, isang tanyag na investor mula sa US. “Price is what you pay. Value is what you get.” (Presyo ang babayaran mo. Ang halaga ay kung ano ang makukuha mo.)
Ang paghahanap ng sulit na foodtrip ay maihahalintulad sa “value investing” sa stocks trading.
Ano nga ba ang “Value Investing”?
Para sa kaalaman ng lahat, ang “value investing” ay isang strategy o diskarte ng mga investor. Sa “value investing”, ang investor ay pumipili ng stocks na mukhang mas mababa sa kanilang totoong halaga o value.
Ikaw ay ”value investor” kung ikaw ay naghahanap ng mga stocks sa palagay mo ay mas mababa ang presyo kumpara sa tunay na halaga nito. Nagiging ganito ang pang-unawa ng mga traders dahil sa mga pag overreact sa mga balita na sangkot ang kumpanya. Dahil sa ganitong phenomena, ang tunay na halaga ng kumpanya ay hindi nakakuha.
Dito pumapasok ang mga value investors na bumibili ng stocks sa mababang halaga sa stock market.
How to get started
Ang pinagkakaiba ng mga tradisyunal na investors sa value investors ay ang kanilang masusing paggamit ng financial analysis o ang pagsusuri sa performance ng stocks gamit ang mga iilan na data o information datos tungkol sa stock.
Ang pagpili ng stocks ng mga value investors ay based sa research na kanilang ginawa.
Sa kaso ng paghahanap ng undervalued stocks, kadalasan hinanap ng value investor ang may stock na mababa ang presyo ngunit mayroong potential growth in the future.
Why choose Value Investing?
Malaking Kita
Kadalasan sa value investing ay nakakakuha ng malaking return o profits. Ang mga nabili mong stocks sa mababang halaga, pwede mong ibenta ng mas mataas na halaga kapag tumaas na ang presyo. Habang tumatagal, makukuha mo ang fair value ng isang dating undervalued stock.
“Low Risk”
Ang pag invest sa mga stocks na mababang halaga sa umpisa ay ‘low risk.’ Mag-compute din ng Risk/Reward Ratio para mabawasan din ang iyong pagalala. Dahil sa mabusising pag research mo sa stocks sa potential ng stock na binili mo, may chance ka sa mapalago ang investment mo.
Methodical
Susi sa pag maximize ng value investing ay ang fundamental analysis. Kailangan sa pag invest mo, mayroon kang datos o patunay base sa mga metrics na sulit ang magiging investment mo sa stock na bibilhin. Sa pag-aral ng fundamental analysis malalaman mo ang ‘margin of safety’ kung ang stock ay sulit bilhin.
Paano maghanap ng Undervalued Stocks
Sa pagsisimula mong maghanap ng stocks na undervalued stocks, kailangan aralin ang basics ng fundamental analysis gamit ang mga sumusunod na formula:
Earnings per Share
Ang Earnings per Share ng financial ratio na sumusukat sa kakayahang kumita o profitability ng stock. Makakatulong ang EPS sa pag evaluate ng financial health ng kumpanya, para mag assess ng risk at para makapag decide ka sa investment decision mo.
Tignan ang sumusunod para sa isang example ng EPS:
Formula: EPS = Net Income - Dividends / No. of Shares Example: Net Income: PHP 1 million Dividends: PHP 0.25 million No. of Shares: 11 million EPS = 1 - 0.25/ 11 EPS: PHP 0.07 million |
Price-to-Earnings Ratio
Isa pang ginagamit ng value investor ay ang Price-to-earnings ratio. Ang metric na ito ipinapakita ang kung ano ang handang bayaran ng market sa kasalukuyan para sa stock base sa past or future earnings nito.
Tinutukoy ng P/E ratio ang market value ng stock compared sa earnings ng company. Talakayin natin ang sumusunod para sa example ng basic P/E ratio.
Formula: P/E = Market Price per Share/ Earnings per Share Example: Price of Stock: PHP 120 Annual Earnings per share: PHP 6
P/E= 120/ 60 The P/E Ratio will be 20. |
Kadalasan ang magandang P/E ratio na tinutukoy ng mga value investors ay below 10.
Price-to-Sales Ratio
Formula: P/S = Market Capitalization/ Total Revenue Example: Market Capitalization: PHP 52 million Total Revenue: PHP 50 million P/S= 520 million/ 52 million The P/S Ratio will be 1.04. |
Formula: P/E = Market Price per Share/ Earnings per Share Example: Price of Stock: PHP 120 Annual Earnings per share: PHP 6
P/E= 120/ 60 The P/E Ratio will be 20. |
Ang P/S ratio ay makakatulong din sa pag-compare ng kumpanya sa iba pang mga kumpanya sa industriya o sa buong merkado. Kahit magandang panukat ng ang Price-to-Sales Ratio, hindi ito nasusukat ang kasalukuyan or potential earnings ng kumpanya.
As we wrap things up, gusto naming i-encourage ang bawat isa na maging curious, open-minded, at laging ready para mag-aral. Sa bawat step na tinatahak natin, lalo na sa paggamit ng value investing, dumadami ang opportunities para sa atin sa market.
Interesado itry ang Value Investing? Itry ito gamit ang GStocks PH!
Formula: EPS = Net Income - Dividends / No. of Shares Example: Net Income: PHP 1 million Dividends: PHP 0.25 million No. of Shares: 11 million EPS = 1 - 0.25/ 11 EPS: PHP 0.07 million |