Ang perang naipon mula sa masusing pagbudget ay pwedeng pwede mapalago sa pag trade sa stocks. Ang growth investing ay isa sa mga magandang paraan para magparami ng kapital kung ikaw ay may long-term na financial goals.
Bago sumabak dito sa growth investing, kailangan alamin kung gaano kalaki ang willing kang i-risk kung ikaw ay mag-iinvest. Importante din dito kung swak ito sa plano mo sa future. Dapat familiar ka din sa galaw ng ekonomiya ng bansa at updated ka sa kasalukuyang sitwasyon ng stock market.
Ang growth investing ay isang strategy upang pataasin ang kapital mo sa pamamagitan ng pag-invest sa mga kumpanyang may posibleng above average earnings growth. Kadalasan ang mga growth stocks ay ang mga mas maliliit ngunit may potensyal na lumaki na mga kumpanya.
“High-risk, high reward,” ika nga ang growth investing. Alamin ang mga mahahalagang konsepto at tips tungo sa isang madiskarteng paglago ng pera gamit ito.
Ano ang magandang Growth Investment?
Para makahanap ng stocks para sa iyong growth investment journey, mainam na mag research ka ng mga statistics ng stocks na magpapahiwatig na ito ay may potensyal na tumaas ang presyo.
Ang isang magandang growth investment ay may mataas na earnings per share (profit /outstanding shares). Kasama din dito ang profitability kung saan makikita mo ang kinita ng kumpanya kumpara sa kanilang mga competitors. Isa pa sa magandang pang-measure ng isang growth stock ay ang kanyang historical revenue or sales growth para matukoy mo kung may trend na ito ng paglago.
4 Strategies para sa Growth Investment
Hindi sapat ang masusing pag-aaral ng ekonomiya, ang market, at ang kumpanya kung saan gusto mo mag invest. Tignan ang mga sumusunod na strategies para mapalago mo ang iyong kapital gamit ang growth investing.
Mag-Diversify ng Portfolio
May kasabihan sa Ingles na “Don’t put all your eggs in one basket.” Maituturing natin itong mabuting payo sa strategy mo sa growth investing. Ipaghiwalay mo ang stocks mo sa iba’t-ibang kumpanya o sektor.
Halimbawa, 30% ng stocks mo ay nasa consumer companies, 50% ay nasa mga kumpanya ng properties, at yung remaining 20% ay para sa banking/financial stocks. Sa pag-invest mo sa iba’t-ibang area, mababawasan mo ang impact kung sakali may masamang mangyari sa isang kumpanya o sector na pinag-investan mo.
Maghanap ng mga Up-and-coming Companies o Industries
Sa pag-aral mo ng stocks at ang ekonomiya, mainam na suriin mo din ang mga kumpanya na maaari mag offer ng stocks sa Philippine Stock Exchange. Aralin ang background ng kumpanya para maunahan mo ang iba sa pagbili ng stock nito at malaman kung worth it mag-invest dito.
Mag-invest para sa Long-term
Kapag sumabak sa growth investing at nalulugi, huwag mawalan ng loob o matakot. Balikan palagi ang goal mo para sa sarili mo at tandaan na ang growth investing ay para sa long-term. Handa ka dapat hawakan ang iyong investments para mabigyan mo ng pagkakataon ang mga kumpanya na mag-grow o lumaki.
Magbalanse ng Portfolio
Regular dapat ang pag-check mo ng binili mong stocks para siguradong aligned pa rin sa financial goals mo at risk tolerance mo.
Sa ganitong paraan, posibleng magbenta ka ng mga assets na nag-outperform para iinvest ulit o gamitin ang nakuhang kapital para sa ibang investment.
Sa makatuwid ang growth investment ay risky, ngunit kapag ito ay pinag-aralan at sinuri ng maayos, posibleng ma-achieve mo ang malaking return o kita kung ikaw ay mapasensya, nakatuon sa iyong financial goal, at malakas ang loob.
Interesado itry ang Growth Investing? Itry ito gamit ang GStocks PH!