Home

Reading Material Post

Dividend Investing 101

Category:

Posted On: April 24, 2024

Author: GCash

Updated On: April 29, 2024

Dividend Investing 101

Category:

Posted On: April 24, 2024

Author: GCash

Posted On: April 24, 2024

Updated On: April 29, 2024

Updated On: April 29, 2024


Sa paglago ng iyong portfolio, mahalaga na mayroon kang investment sa mga dividend paying stocks. Marami ang nagsisimula ng dividend investing dahil maaaring mas consistent ito sa pagbibigay ng earnings sa mga investors. 

 

Ang pag-invest sa mga stocks na ito ay ginagawa para mayroon kang potensyal na pinagkukunan ng kita mula sa dividend payments at sa capital appreciation o pagtaas ng presyo ng stock price.

 

Sa dividend investing, may opportunity ka na mapaikot mo pa ang iyong pera para sa long-term financial growth at isa rin itong paraan magkaroon ng passive income.

 

Simulan ang iyong Dividend Investment Strategy

Para masimulan ang iyong dividend investment strategy para sa iyong financial goals, tignan ang mga sumusunod: 

1. Mag-confirm at mag-commit sa mga financial goals na gusto mong mangyari sa pagsisimula mo mag-dividend investing.

 

2. Mag-assess ng risk tolerance mo at kung magkano ang gusto mong ilaan para sa mga stocks na ito.

 

3. Mamili ng tamang investment vehicle. Ang mga example na ito ay ang individual stocks, exchange-traded funds (ETFs), o mutual funds na nag-sspecialize sa dividend-paying companies.

 

4. Mag-research ng mga kumpanya at pag-aralan ang kanilang financial health, dividend history at growth, at ang dividend yield.

 

5. Aralin ang uri ng dividends na inooffer ng stock na bibilhin mo:

 

      1. Cash Dividends – ang pinaka-karaniwan payout sa mga dividend-paying companies na kadalasan binibigay quarterly or annually. Ang amount na ibinibigay sa shareholder ay usually fixed amount per share o percentage ng kita ng kumpanya

      2. Stock Dividends – ang makukuhang dividends ay additional stocks na naka-base sa bilang ng stocks na hawak mo

      3. Property Dividends – ang makukuhang dividends mo ay mga property tulad ng real estate shares mula sa ibang kumpanya o mga iba pang physical assets

      4. Special Dividends – isang uri ng dividends na one-time dividend payment. Hindi ito kasama sa regular dividend policy ng kumpanya

Petsa

Presyo

Agosto 2012 

PHP 32.54 

Nobyembre 2023 

PHP 46.61 

No. of Years

Principal Amount

Interest

Compunded Amount

1

PHP 10,000 


PHP 10,000 x 0.05 = PHP 500 

PHP 10,000 + 500 = PHP 10,500


2

PHP 10,500 

PHP 10,500 x 0.05 = PHP 525 

PHP 10,500 + 525 = PHP 11,025 

3

PHP 11,025 

PHP 11,025 x 0.05 = PHP 551.25 

PHP 11,025 + 551.25 = PHP 11,576 

4

PHP 11,576 

PHP 11,576 x 0.05 = PHP 578.8 

PHP 11,576 + 578.8 = PHP 12,155 

5

PHP 12,155 

PHP 12,155 x 0.05 = PHP 607.75 

PHP 12,155 + 607.75 = PHP 12,762 

Ano ang pwedeng gawin sa Dividends ko?

Kasama sa strategy mo ang kung ano ang gagawin mo sa pagtanggap mo ng iyong dividends. Balikan ang iyong goal noong nagsimula ka mag-dividend investing para gabayan ka.


Narito ang mga sumusunod para sa mga options mo sa panahon dumating ang dividends:

1. Mag-invest ulit sa parehas na kumpanya at bumili ng mas marami pang shares
2. Bumili ng stock sa ibang kumpanya
3. I-save ang cash mula sa dividend

Top Tips para sa Dividend Investing

Para ma-maximize mo ang dividend investments, it is recommended na ipagpatuloy mo ang pagreresearch sa mga kumpanya na maaaring mong paglagyan ng pera:

 

1. Maghanap ng mga sustainable dividends o iyong mapapanatili nila ang dividend payments kahit humina ang market. Isang paraan kung paano macheck ito ay kung mas mababa sa 50% ng profit ng kumpanya ang bibinigay sa mga shareholders

 

2. Huwag magfall sa ‘dividend trap’ o sa mataas na high yield dividend na hindi sustainable. Kung hindi karaniwan ang dividend yield ng kumpanya, malamang sa malamang hindi ito repeatable.

 

3. Hanapin ang mga stocks na may mataas na dividend growth potential bukod sa dividend yield.

 

4. Palaging aralin ang balance sheet, debt, cash, liabilities, at ibang assets ng kumpanya.

 

5. Bumili at i-hold ang stocks para sa long-term.

 

Sa makatuwid, ang dividend investing ay napakagandang simulan kung nais mong maipalago ang investment portfolio at magkaroon ng passive income. Tulad ng kahit anong strategy sa investing, mabuti na palaging masusi sa pag-research at aralin ang performance ng stocks kung saan ka mag-iinvest. At sa huli, palaging balikan kung bakit ka nagsimula mag-invest para mas mamotivate ka sa mga goals na nilaan mo para sa sarili mo.

 

Interesado itry ang Dividend Investing? Itry ito gamit ang GStocks PH!

Don’t Have GCash Yet?